Monday, February 22, 2010

Ang Sama Sama Mo


alam mo ba?
habang tumatagal na tayo'y magkasama
mas lalo akong nasasaktan.
alam mo ba kung bakit?
dahil nakakainis ka!
ang sarap2x mong kasama
at ang tanga-tanga ko naman
klarong klaro naman na ginagawa mo lang lahat to
dahil alam mo yon ang nagpapahina sakin!
pero bakit?hindi ka ba naaawa sakin?!
sa tuwing niyakap kita,totoo yon,
pero sa tuwing niyayakap moko
alam ko,hindi ako bobo...gusto mo lang nang ganun.
ba't ang manhid2x mo?
ba't pinapahirapan mo pa ako?
alam mo naman hindi ko kayang lumayo sayo,
at heto ka naman patuloy sa pagpapasweet
kahit wala naman intensyong mahalin ako!
ang sama sama mo!

sana lang sa huli sasabihin mo sakin "yun din ang nararamdaman ko, oo mahal na din kita, noon pa...''

hahahahahaha
nakakatawa noh?
ang sarap mangarap!

:(

ginagawa ko nang lahat para
hindi mahuhulog loob ko sayo
pero lalo lang
akong nahuhulog.
plss naman..
saluin mo naman ako?

No comments:

Post a Comment